Home NATIONWIDE 5 tulay sa Cagayan isinara sa pag-apaw ng ilog

5 tulay sa Cagayan isinara sa pag-apaw ng ilog

2
0

MANILA, Philippines – Isinara sa mga motorista ang limang tulay sa Baggao, Cagayan matapos umapaw ang mga ilog dahil sa mga pag-ulan dala ng shear line.

Ayon sa Baggao Information Office, hindi madaanan ang mga sumusunod na tulay:

Bagunot Bridge sa Barangay Bagunot
Taytay-San Isidro Bridge
Mosimoc-Bitag Pequeño Bridge
Awallan Bridge sa Barangay Awallan
Asinga Via-Hacienda Intal Bridge

Maaari namang gamitin ng mga motorista ang Annayatan, Camata, Mocag, C. Verzosa, Bitag Pequeño at Taguntungan bridges.

Sa hiwalay na abiso, sinabi ng lokal na pamahalaan na sinuspinde rin nito ang klase sa mga pampublikong paaralan sa kindergarten dahil sa mga pagbaha. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here