Manila, Philippines – Nagkaroon noon ng isyu nang magparunggit si Vice Ganda tungkol sa hindi raw niya bet na makatrabaho, na ipinagpapalagay ng kibitzers ay patama kay Cianne Dominguez.
Sa pagpasok naman ni Cianne sa Bahay ni Kuya, lumikha ito ng matinding kontrobersya lalo na sa kanyang diumano’y pambu-bully kay Gehlee Dangca at ang bad breath comment nito kay Geo Ong.
Umani naman ng backlash ang dancer at TV host kaya nababatikos ito sa isyu.
Up for nomination naman na for possible elimination or eviction si Cianne kasama
sina Primo Alterado, Nathan Garcia, Raheel Bhyria, Nicole Fortuna at Bela Arcal.
Sa latest episode naman ng kanilang noontimeshow, inurirat ni Vice ang kanyang co-hosts kung bumoto na ang mga ito para iligtas si Cianne.
Sey pa ni Meme, kung mae-evict daw si Cianne sa PBB Celebrity Collab Edition 3.0, may plano na siyang saluhin ang huli.
“Kaya nga eh. Boboto pa ba tayo? Mahabol pa ba’yan?”
“Basta ang mahalaga, tutulungan natin siya paglabas… Ako na bahala exposure paglabas.” ani Vice.
Ready din daw siyang bigyan pa ng oportunidad sa hosting si Cianne kung maligwak man ito sa nasabing Pinoy reality competition.
“Mukhang malaki-laki ang gagastusın dito, bigyan ko na lang ng exposure paglabas,” giit pa niya.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa kanyang naging pahayag.
“Oks naman pala sila.”
“Ganyan si Meme. Hindi nang-iiwan sa ere.”
“Feeling ko, ramdam na rin naman ni Vice na malaki ang tsansa ni Cianne na ma-evict.”
“At least may backup plan na sila kay Cianne.”
“Kung di ba naman sila ok ni Cianne, bakit naman niya ipagtatanggol ito over putok issue.” Archie Liao