MANILA, Philippines – ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makuhanan ang mga ito ng high-grade marijuana sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.
Ayon sa report ng Bacoor Component City Police Station, kinilala ang mga suspek na sina alyas Jo, alyas Josh, alyas John, alyas Cha at alyas Mich.
Base sa isinagawang imbestigasyon bandang ala-1:15 ng madaling araw nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Bacoor City Drug Enforcement Unit ng Bacoor CCPS sa Brgy Queensrow East ng nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga ito ang tinatayang 30.87 gramo ng high grade marijuana na may standard drug price na P46,305,00, buy bust money, itim na pouch at cellphone.
Nakakulong ngayon sa Bacoor Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag ng Violation RA 9165 O Comprehensive of anti Ilegal Drugs Act of 2002. MARGIE BAUTISTA