Home HOME BANNER STORY 14-day visa-free entry sa mga Chinese pinalawig ‘gang 2028

14-day visa-free entry sa mga Chinese pinalawig ‘gang 2028

2
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Pilipinas ang 14-day visa-free entry privilege para sa mga Chinese national nang isa pang taon.

Dahil dito ay maaaring bumisita sa bansa ang mga Chinese sa tourism o business purposes hanggang Enero 15, 2028, ayon sa anunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, Nobyembre 23.

Ang extension ay epektibo mula Enero 16, 2027, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pataasin ang international tourist arrivals at makahikayat ng mas maraming investment kasabay ng pagpapanatili sa immigration at national security safeguards.

Sa ilalim nito, ang mga Chinese national ay maaaring pumasok sa Pilipinas nang walang visa at manatili rito sa loob ng hanggang 14 na araw.

Ang pribilehiyong ito ay non-extendible at hindi maaaring ma-convert sa iba pang visa category. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here