SAN MANUEL, Isabela – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang tinaguriang Top #1 Most Wanted Person ng Isabela na umano’y sangkot sa pagpatay sa dating Miss Philippines Earth 2013 3rd Runner-Up na si Lullete Jane Ramilo-Dela Cruz.
Kinilala ang suspek na si Arjay Carera Torres,” 30-anyos, na naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa, sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.
Todo tanggi naman ang suspek sa ibinibentang pagpatay sa dating beauty na masusi ngayon iniimbestigahan ng pulisya, ngunit handa umano siyang makipagtulungan sa pulisya para tuluyang maresolba ang kaso at mabigyan ng hustisya ang biktima.
Pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office ang operasyon katuwang ang iba pang yunit ng Philippine National Police.
Matandaan na pinagbabaril-patay Kaugnay ang dating beauty queen sa harap ng kanyang tahanan sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Isabela noong Pebrero 13, 2026.
Dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang iniulat na sangkot sa krimen.
Ayon kay PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, patunay ang pagkakaarestong ito ang patuloy na pagsisikap ng kapulisan na panagutin ang mga nagkasala at tiyaking walang sinumang makatatakas sa batas.
Pansamantala nasa kustodiya ng San Manuel Police Station ang naarestong suspek para sa masusing imbestigasyon. (Rey Velasco)