Home HOME BANNER STORY Transport strike ng Manibela sa MM, pinalawig gang Miyekules

Transport strike ng Manibela sa MM, pinalawig gang Miyekules

1
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng transport group Manibela hanggang Miyerkules, Nobyembre 25, ang kanilang kilos-protesta at tigil-pasada sa Metro Manila, ayon sa chairman nitong si Mar Valbuena.

Nagsimula ang dalawang araw na tigil-pasada nitong Lunes bilang pagtutol sa umano’y planong pagpapalit kay Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.

“Until tomorrow … we will have no trips scheduled,” pahayag ni Valbuena sa isang video na naka-address sa mga tsuper ng jeepney.

Sa ikalawang araw ng tigil-pasada, nagsagawa ng programa ang grupo sa ilalim ng Nagtahan Flyover malapit sa Malacañang.

Sinabi ni Valbuena na walang bumibiyaheng jeepney dahil sa protesta laban sa umano’y pagkakatalaga ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan.

Ayon sa kanya, nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga tsuper upang ihatid sa Malacañang at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang pagtutol sa posibleng pagpapalit sa pinuno ng LTO.

Umaasa rin ang grupo na hindi mapapalitan ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na inakusahan ni Valbuena na walang ibang ginawa kundi magnegosyo.

Sinabi rin niyang magtitipon ang grupo sa harap ng tanggapan ng LTO.

Samantala, nag-alok ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay sa piling ruta sa Metro Manila upang matulungan ang mga pasaherong apektado ng tigil-pasada. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here