Home HOME BANNER STORY NCAP tickets sa EDSA busway noong Nob. 2-7, kakanselahin ng MMDA

NCAP tickets sa EDSA busway noong Nob. 2-7, kakanselahin ng MMDA

1
0

MANILA, Philippines – Kakanselahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tiket na ipinataw sa mga motorista dahil sa pagdaan sa isang bahagi ng EDSA Busway mula Nobyembre 2 hanggang 7.

Saklaw nito ang mga pribadong sasakyang nahuli ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) na dumaan sa bahagi ng busway mula Nepa Q-Mart hanggang Boni Avenue.

Sa abisong inilabas ng MMDA nitong Martes, sinabi nitong maaaring kuwestiyunin ng mga nakatanggap ng Notice of Violation ang kanilang tiket, na awtomatikong kakanselahin ng ahensiya.

Kasunod ito ng desisyon ng Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang payagan ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa nasabing bahagi ng busway simula Nobyembre 2 upang bigyang-daan ang asphalting works sa ilalim ng ikalawang yugto ng EDSA Rehabilitation Project.

Nauna nang inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang roadworks sa kahabaan ng EDSA mula Nepa Q-Mart hanggang Boni Avenue.

Upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko habang isinasagawa ang mga pagkukumpuni, pansamantalang binuksan sa mga pribadong motorista ang southbound lanes 1 hanggang 4 sa naturang bahagi.

Sinabi noon ni Transportation Secretary Vince Dizon na layunin ng pansamantalang pagbubukas ng busway na mabawasan ang abala sa mga motorista habang isinasagawa ang rehabilitasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here