Home METRO PNP, naglunsad ng manhunt ops sa mga suspek sa pagpatay sa hepe...

PNP, naglunsad ng manhunt ops sa mga suspek sa pagpatay sa hepe ng pulisya sa Lanao del Sur

23
0

MANILA, Philippines – Iniutos ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes ang masusing imbestigasyon at pinaigting na pagtugis sa mga sangkot sa pagpatay sa hepe ng pulisya sa bayan ng Bubong, Lanao del Sur.

Ayon sa PNP, nasa loob ng kaniyang apartment sa Barangay Poblacion si Police Major Razul Guimbangan Pandulo nang barilin umano siya ng dalawang suspek dakong alas-4:30 ng hapon nitong Lunes.

Kinondena ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pag-atake at inatasan ang lahat ng police unit sa rehiyon na magsagawa ng mas pinaigting na manhunt laban sa mga salarin.

“This senseless and cowardly attack on one of our officers is an affront and a challenge to the police as an organization,” pahayag ni Nartatez.

“I expect swift action in this case through an in-depth investigation and aggressive follow-up operations in the interest of justice and the rule of law,” dagdag niya.

Batay sa ulat, nakasuot ng bonnet ang dalawang suspek nang tumakas sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

Sinabi ni Nartatez na aalamin ng PNP ang lahat ng detalye ng insidente at bubuo ng special investigation team kung kinakailangan upang mapanagot ang lahat ng sangkot. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here