Home NATIONWIDE Lacanilao itinalaga bilang bagong administrador ng MARINA

Lacanilao itinalaga bilang bagong administrador ng MARINA

1
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dating pinuno ng LTO na si Lacanilao bilang bagong administrador ng MARINA.

Itinaas naman ni Pangulong Marcos ang posisyon ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus Lacanilao at itinalaga siya bilang bagong administrador ng Maritime Industry Authority (MARINA), na may ranggong Undersecretary, ayon sa Malakanyang.

Kasabay ng kanyang pagkakatalaga, nagkaroon din ng pagbabago sa mga posisyon ng iba pang opisyal sa Department of Transportation (DoTr), ang sinabi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Ang paglilipat kay Lacanilao sa Marina ay naganap habang nagsasagawa ng transport strike ang grupong Manibela bilang protesta sa pagtanggal sa kanya bilang pinuno ng LTO.

Nauna rito, kinalampag ng Grupong Manibela ang tanggapan ng LTO, araw ng Lunes, November 23 para tutulan ang umano’y pagpapalit ng liderato sa LTO.

Sa programang ikinasa ng Manibela, kinukwestiyon ng grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Transportation o DOTr Secretary Vince Dizon, kung ano ang dahilan sa umano’y pagpapalit kay LTO Chief, Assistant Secretary Marcus Lacanilao at sino ang nagrekomenda rito.

Sa kabilang banda, pumasok naman si Valbuena sa tanggapan ng LTO, para sumali sa closed-door meeting ni Lacanila at Dizon.

Samantala, lumahok naman umano sa kilos-protesta ang 600 hanggang 700 katao mula sa mga tsuper ng Manibela, kasama ang mga MC Taxi riders, TNVS, UV Express, at mga truck driver sa Meteo Manila. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here