Manila, Philippines – Sa isang interview, nilinaw ni Andrea Brillantes na hindi siya kunsintidor na kaibigan.
Katunayan, pag may nakikita raw siyang mali sa ginagawa ng taong malapit sa kanya ay pinaaalalahanan niya ito.
Gayunpaman, sa kabila nang lahat ay hindi pa rin daw nawawala sa kanya ang pagiging spontaneous at feeling mommy sa kanyang mga beshie.
Aminado rin naman siyang nahirapan siyang makakita ng tunay na kaibigan lalo na sa mundong kanyang ginagalawan.
Siya na raw kasi ang umiiwas kapag nakikita niya na hindi nag-a-align ang kanilang principles at values ng isang tao.
Sa friend group, siya rin daw iyong tipong nagda-dialogue na “I told you so” lalo na sa mga kaibigang matigas ang ulo.
Pagdating naman sa pag-ibig, marami na raw bubog na pinagdaanan ang kanyang puso.
Pero at the age of 23, ang dami na rin daw niyang natutunan sa larangan ng pag-ibig.
Bet daw niya ang lalakeng aalagaan siya at naiintindihan siya.
Dahil lumaki raw siyang may emotional baggage, gusto raw niya sa isang partner na tatanggapin siya at proprotektahan siya.
Hindi raw niya keri ang lalake na babaguhin siya kundi iyong dyowa na tanggap ang kanyang flaws.
Sey pa niya, di rin daw niya bet ang mga taong hindi nauunawaan ang kanyang boundaries na puwede pang magpadagdag sa kumplikasyon ng kanyang buhay. Archie Liao