Home NATIONWIDE COMELEC nakapagtala ng 180K voter registrations

COMELEC nakapagtala ng 180K voter registrations

1
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Commission on Elections (COMELEC) ng mahigit 180,000 voter registrations mula nang magbukas ang registration period para sa 2028 national and local elections noong Nobyembre 10.

Karamihan umano sa mga nagparehistro ay first time voters.

“Mula nung nakaraang Sabado at umabot na po sa mahigit 180,000 ang iba’t-ibang klase ng registrations ang tinanggap ng COMELEC at karamihan po dito ay galing sa ating mga kabataan na magiging first time voters kaya nga po,” sinabi ni COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco.

Ani Laudiangco, inaasahan ng Comelec na malalampasan ang inisyal na target na tatlong milyong magpaparehistro.

Samantala, muli niyang hinimok ang eligible Filipinos na magparehistro na kabilang ang mga kabataan na hindi pa 18-anyos ngunit aabutin ang edad na ito pagsapit ng Mayo 8, 2028. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here