Home HOME BANNER STORY Pagbasura ng SC sa mga petisyon sa pag-aresto kay FPRRD, iginagalang ng...

Pagbasura ng SC sa mga petisyon sa pag-aresto kay FPRRD, iginagalang ng Palasyo

14
0

MANILA, Philippines – GINAGALANG ng administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. ang naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ng pinagsama-samang petisyon para sa habeas corpus na kumukuwestiyon sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte matapos ideklara ng hukuman na moot o wala nang saysay ang mga ito.

“Hindi nagpahayag ang Korte Suprema na anumang paglabag ng administrasyon sa karapatang pantao ninuman,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Giit nito, ang administrasyon ay tumupad lang din sa isinasaad sa RA 9851 ng walang anumang pang aabuso sa kapangyarihan.

Isinalang alang din aniya ng administrasyon ang dati ng nasabi ng Korte Suprema na ang International Criminal Court (ICC) ay may hurisdikyon sa mga sakop na criminal acts na ginawa bago mag withdraw ng membership nito noong March 17, 2019.

Sa ulat, sa desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, hindi na maaaring ipatupad ng mga korte sa Pilipinas ang writ of habeas corpus dahil nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, the Netherlands ang dating pangulo.

Siyam na mahistrado ng Supreme Court En Banc ang bumoto pabor sa pagbasura sa mga petisyong inihain nina Sebastian, Veronica, at Paolo Duterte para sa kanilang ama, apat ang tumutol, habang naka-official business naman si Associate Justice Samuel H. Gaerlan.

Matatandaang inaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 pagdating niya sa Pilipinas mula sa Hong Kong matay sa warrant of arrest ng ICC para sa kasong crimes against humanity sa ilalim ng Rome Statute.

Sa parehong araw, naghain si Duterte ng petition for certiorari and prohibition sa Korte Suprema upang pigilan ang mga opisyal ng pamahalaan na makipagtulungan sa ICC bago siya isinakay sa eroplano patungong The Hague kinagabihan.

Kinabukasan ay naghain ng magkakahiwalay na petisyon para sa habeas corpus ang kanyang mga anak kung saan iginiit nilang hindi maaaring ipatupad ang warrant ng ICC dahil kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute at nilabag umano ng pag-aresto ang Konstitusyon, mga batas ng bansa, at pandaigdigang batas.

Sa panig naman ng Office of the Solicitor General (OSG), ikinatwiran nitong naging moot na ang mga petisyon dahil hindi maaaring ipatupad sa labas ng bansa ang writ of habeas corpus at iginiit na tumalima ang pag-aresto sa mga internasyonal na obligasyon ng Pilipinas. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here