Home METRO Ama hinataw ng bato sa ulo anak sa Cebu, arestado

Ama hinataw ng bato sa ulo anak sa Cebu, arestado

1
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang 37-anyos na ama matapos umanong hatawin ng malaking bato sa ulo nang tatlong beses ang sarili nitong 20-anyos na anak sa Barangay Cogon Pardo, Cebu City, nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 25.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jondry Benavente, residente ng Sitio All Season 3, kung saan din nakatira ang biktimang si John Mark Mantalaba Benavente.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi matapos magkaroon ng pagtatalo ang mag-ama.

Tatlong beses umanong hinampas ng suspek ng bato ang ulo ng biktima, na nagtamo ng mga sugat sa kaliwang bahagi ng noo at ulo.

Matapos magpagamot sa Cebu City Medical Center, personal na nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya dakong alas-2:40 ng madaling-araw nitong Huwebes upang pormal na ireport ang insidente.

Agad namang nagtungo ang mga awtoridad sa tirahan ng suspek sa Sitio All Season 3 at inaresto ito sa pamamagitan ng citizen’s arrest.

Sa panayam ng CDN Digital, inamin ng suspek na nawalan umano siya ng kontrol at nasaktan ang anak dahil madalas itong sumagot at sumuway sa kanya at sa kanyang misis.

Ayon naman sa asawa ng suspek, nagtatalo sila ng mister nang marinig ito ng kanilang anak. Lumabas umano ang biktima at pinagsabihan silang tumahimik dahil naaabala ang kanyang pagtulog.

Dagdag pa ng misis, madalas umanong nakikipaghamunan ng suntukan ang kanilang anak o pinapalo ang dingding na gawa sa yero kapag sinasaway sila.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon habang inihahanda ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong frustrated parricide laban sa kanya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here