MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado ang P54.52 bilyong panukalang budget ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 2027.
Pinangunahan ni Labor Secretary Francis N. Tolentino ang ahensya sa plenary hearing noong Nobyembre 25, habang si Sen. Joel Villanueva ang nagsulong ng pondo.
Mas mataas ito sa unang iniharap na P47.057 bilyon matapos magdagdag ang Senado ng P612.25 milyon para sa mga prayoridad na programa at pasilidad.
Kabilang sa mga karagdagang pondo ang P75 milyon para sa Labor Attorneys’ Office para sa libreng serbisyong legal, P50 milyon para sa National Academy of Labor Justice, P20 milyon na tulong sa mga manggagawa sa industriya ng asukal, at P200 milyon para sa gusali ng National Labor Relations Commission (NLRC).
Layunin ng pondo na makalikha ng mas maraming disenteng trabaho, mapalawak ang skills training at mapatatag ang proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden