VALENZUELA CITY, Philippines – Sa layong isulong ang kapakanan ng mga estudyante at tiyakin ang seguridad sa mga paaralan, sinimulang ipagkaloob ng Pamahalaang lokal ng Valenzuela ang dalawang BYD Student Campus Patrol Cars sa nabanggit na lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang turn-over ceremony ng mga naturang patrol cars na ginanap sa 3S Center Brgy. Paso de Blas, kahapon na gagamitin ng pulisya sa pagpapatrolya sa lahat ng mga paaralan sa lungsod kung saan anim na babaeng mga police officer’s ang nakatalaga sa mga ito.
Ang nasabing mga sasakyang ay magsisilbing karagdagang paraan ng proteksyon para sa mga estudyante, na magbibigay ng pinahusay na seguridad at suporta sa loob ng paaralan at tutulong na matiyak ang mas ligtas na kapaligiran sa mga paaralan para sa kapakinabangan ng komunidad ng mga estudyante.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pangako ng lungsod na palakasin ang kaligtasan ng publiko, itaguyod ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, at tiyakin ang isang mas ligtas na kapaligiran para sa komunidad.
Kasama ring dumalo sa kaganapan ang may bahay ni Mayor Wes na si Mrs. Tiffany Gatchalian, Northern Police District (NPD) Deputy District Director for Administration P/Col. Relly Arnedo, Valenzuela CPS Chief P/Col. Joseph Talento at mga barangay opisyal ng Brgy. Paso De Blas. (Merly Duero)