MAKATI CITY, Philippines – Nahulog ang isang kotse mula sa ikaapat na palapag ng parking area ng isang gusali sa Makati City dakong tanghali nitong Huwebes.
Nasagip ng mga responder ang lalaking driver na naipit sa loob ng matinding napinsalang sasakyan.
Hindi pa kumpirmado ang kondisyon ng driver.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang sanhi ng insidente. RNT/MDS