Home OPINION KAWAWANG PINOY SA EDUKASYON

KAWAWANG PINOY SA EDUKASYON

2
0

HINDI madaling solusyonan ang napakalaking problema sa pampublikong edukasyon sa ating bansa, kahit man lang sa paggawa ng mga bago at pag-repair ng mga klasrum o gusali rito.

Imadyinin na lang, mga Bro, may kakulangang bagong klasrum na nasa165,443-166,000 na maaaring aabot sa 219,000 sa 2028 kung isasama ang paggawa at pag-repair sa mga matatanda nang mga klasrum at gusali.

Ayon sa Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2, may 51,222 klasrum ang mahigit nang 50 anyos sa 2028 at kailangan nang gibain dahil delikado nang gamitin.

Sa iba pang nakatayo, 70% ang kailangang ma-repair, ma-retrofit o pagkondena dahil sa edad ng mga ito at pagkakaroon ng depekto sa paggawa at substandard na materyales.

Nito lang nakaraang taon lamang, may 22,500 klasrum ang nasira sa mga lindol, kasama ang nasa 10,000 tinamaan ng lindol sa Cebu noong Oktubre 2025.

500 LANG MULA SA TARGET NA 18,000 SA 2026

Sa mga pagdinig sa Senado sa mga araw na ito, lumitaw na nasa 500 lamang ang naitayong bagong klasrum sa buong bansa mula noong Enero hanggang Nobyembre 2026 at malayo sa target na 18,000 sa buong 2026.

Tinarget ang 18,000 klasrum makaraang may P1.05 trilyong badyet sa 2o26 na pinakamalaki sa lahat ng badyet kumpara sa nakaraang mga taon at mula rito, may nasa P65.9B-P85.4B para sa kumpletong pasilidad, kasama ang mga kubeta.

Sinobrahan pa nga ng Kongreso ang panukala ng Malakanyang para sa 2026 na P928.52B at ginawa nga itong P1.05T para makagawa ang gobyerno ng 18,000 klasrum na bago.

At kung isasama sa paggawa ang mga local government unit at pribadong sektor, magiging 24,000 pa nga sana ang mga bagong maitatayo.

Pero bakit hanggang 500 klasrum lamang lahat, eh, magtatapos na ang taon?

PROBLEMA NASAAN?

Lumitaw sa mga pagdinig sa Senado na may malalaking problema.

Kasama umano rito ang napakabagal umanong proseso sa pag-apruba mismo sa mga kontrata at pagpili ng mga kontraktor, bigong mga pasubasta sa Department of Public Works and Highways, kawalan o kulang na kakayahan ng mga LGU na sumali sa programa at hindi nakaugnay na 58 National Housing Authority Projects na walang kasamang proyektong iskul.

Kaya, bilang kasama sa solusyon para may mapasukang klasrum ang mga bata sa halip na sa ilalim ng mga puno at iba pa, pinaiiral na ang voucher system.

‘Yun bang === binibigyan ang mga estudyante ng tiyak na halaga ng salapi para makapag-enrol sa mga pribadong eskwela kung saan walang public school na nakatayo sa kanilang lugar.

PROBLEMA PANG MATITINDI HANGGANG 2027

Sa mga pagdinig pa rin sa Senado, anak ng tokwa, lumitaw na nasa P1.8 milyong Grade 2 ang walang pondo para sa feeding program nila sa 2027.

Naglaan din ang mga kongresman para sa mga multi-purpose building ng P54B habang may P241B para sa ayuda, na lahat ay kontrol nila.

Nagdagdag din ang mga kongresman ng P5B para sa pansarili nilang pondo sa Kamara mula sa P17.623B kaya maging P22.623B sa kabuuan.

Hindi kaya kasama ang mga ito sa mga problema na hadlang sa pagsusulong ng programang school building kahit sa susunod na taon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here