Home OPINION DUTERTE WALANG PEOPLE POWER?

DUTERTE WALANG PEOPLE POWER?

1
0

MAY mga nagpapalaganap ng mga paniniwala na anoman ang gawin ng mga anti-Duterte na tanggalin si Vice President Sara Duterte sa pwesto, walang magagawa ang mga pro-VP Sara dahil wala siyang sapat na pwersa para lumaban sa anomang paraan.

Kabilang sa mga isinusulong ng mga anti-Duterte ang impeachment ni VP Sara at nakapaloob dito ang pagpaliit ng voting threshold o minimum na boto mula sa 16 sa 14.

Nababatay ang 16 boto sa tadhana ng Konstitusyong 1987 na kailangang 2/3 ng lahat ng miyembro ng Senado para madeklarang guilty o nagkasala ang isang impeachable officer (Article 11, Section 3(6) habang nababatay ang 14 boto sa aktibong dumadalo sa paglilitis at ginawa ito ng mayorya ng Senate impeachment court noong Setyembre 23, 2026.

Kung mabibigo ang mga anti-VP Sara sa impeachment sa pagdedeklara kay VP Sara na nagkasala at masibak sa pwesto, niluluto rin umano ang pag-amyenda o pagrebisa sa Konstitusyong 1987 sa bisa ng Constituent Assembly o ConAss.

Sa ConAss, babaguhin ang sistema ng pamahalaan mula sa sistemang presidensyal na umiiral ngayon patungo sa sistemang parliamentaryo at mapapalawig ang pag-upo ng mga kongresman at senador nang wala na ang mga inihalal na Presidente at Bise Presidente na inihalal noong 2022 hanggang 2028.

Dahil hindi malinaw sa Konstitusyon kung magiging hiwalay ang Senado at Kamara sa pag-apruba sa amyenda o rebisyon (malaking pagbabago) ng Kontitusyon, lulunurin ng 317 miyembro ng Kamara ang 20 o 24 miyembro ng Senado sa botohan at magtatagumpay ang ConAss.

Para sa mga anti-VP Sara, wala umanong pwersa o istayl People Power ang mga Duterte upang labanan ang mga ganitong maniobra kahit saan.

Tila nakalilimutan ng mga anti-VP Sara na sila ang walang pwersa, lalo na sa Mindanao at malaking bahagi ng Kabisayaan habang may malaki ring suporta si VP Sara sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon.

Ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa huli?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here