Manila, Philippines – Hinanap ng kibitzers ang presensiya nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano at Richard Gutierrez sa bagong Christmas station ID ng ABS-CBN.
Wala rin ang presensiya ng kontrobersyal na tambalan ng KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa nasabing plug.
Absent din ang iba pang Kapamilya tulad nina Angelica Panganiban at Sarah Geronimo.
Umani naman ang nabanggit na CSID ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers nang mapag-usapan ng mga tsismosang kapitbahay.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“Walang Juday and Maricel? Pati si Sharon? Hindi din kasali ang KimPau, Angelica P, Sarah G., at Richard Gutierrez? Parang ang daming big names na wala. Tapos si Jessy M. ang nasa front row na pang-top stars ang placement? Ano yan, bonus inclusion dahil kay Luis?”
“Na-miss ko si Sarah G. Parang di kumpleto ang CSID pag wala ang Popstar Royalty.”
“Ang saya lang kasi nai-feature din ng ABS-CBN ang allied partners nila like GMA, TV5, AllTV at A2Z.”
“Touching iyong pagpunta ni Meme Vice sa Kapuso network.”
“Ang KimPau na-miss ko.”
“Solo eras na talaga sina Kathryn at Daniel. Pati na sina Donny at Belle.”
“At least nandiyan pa rin ang superstars ng ABS: sina Vice, Coco, Kathryn at BINI.”
“Wow, prominent ang billing ng mag-asawang Luis at Jessy.”
“Si Richard G, wala kasi kasama ni Barbie.”
“Glad na nakasama ang PBB Celebrity Collab 3 housemates.”
“KaiKyle, FranSeth at JMFyang, sila pa rin ang young gen love teams na pambato ng network.”
“Sana iyong iba na hindi present, kahit video greeting na lang.” Archir Liao