Home ENTERTAINMENT Dahilan ng pagdalaw ni Lotlot sa probinsya ni Nora, alamin!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dahilan ng pagdalaw ni Lotlot sa probinsya ni Nora, alamin!November 27, 2026 19:5510 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nakakaintriga ang balitangpagpunta ni Lotlot de Leon sa Iriga City sa Bicol, ang pinagmulan ng kanyang inang si Nora Aunor.May inasikaso ba doon ang aktres, partikular ang mga naiwang ari-arian ng Superstar?Ayon mismo kay Lotlot, it was just a short stopover.Hindi kasi siya nakadalaw sa puntod ni Nora nitong Undas–‘yun pala’y out of town siya.Nasa Quezon Province daw siya, at saka dumiretso sa Bicol that same day.Basta naisipan lang daw niya–as in there was nothing to it: “Gusto ko lang tingnan ‘yunglugar kung saan niya kami dinadala dati noong bata kami.”As in wala siyang inaayos doon?Aniya: “Ano’ng aayusin ko doon? Hahaha!“Wala, dumaan lang ako. Wala naman akong aayusin doon.”Ang pagtawa ni Lotlot sa tanong ay senyales na hindi siya kumportableng pag-usapan ang tungkol sa mga ari-arian ng ina.Baka nga naman maikunek na naman ito sa isyu nilang magkakapatid–na iniiwasan niya as much as possible. Ronnie Carrasco III