Manila, Philippines – For any parent, nothing can be worse than seeing his child in suffering.
Tulad na lang ni Vandolph Quizon na walang lakas ng loob pag-usapan ang tungkol sa anak na dinapuan ng cancer.
His daughter Quira, 18, came out with a post as she shared her illness–ayon na din sa ulat ng PEP.
Sa interview kay Vandolph noong April 2026, he described Quira as being fond of singing.
Mahusay din daw ito sa musical instrument.
Despite her talent, mas naka-focus daw ito sa kanyang pag-aaral.
On Quira’s ailment, kamakailan ay sumailalim siya sa second cycle ng chemotherapy.
Nagpasalamat naman ang kanyang inang si Jenny sa lahat ng mga nagdasal para sa anak:
“Sana magtuluy-tuloy na siyang gumaling.”
Hinangaan din ni Jenny ang katapangan ni Quira in her Facebook post.
Quira–who was diagnosed with lymphoma–contessed to wanting to give up.
Ito’y dahil daw sa pagod at walang katiyakan as everything became almost too much.”
Marami daw siyang isinantabi’t isinakripisyo–tulad ng spending time with friends, pagpasok sa paaralan at maging bata lang per se.
Umikot daw kasi ang kanyang buhay sa mga appointment sa ospital, paghihintay sa mga test results at pagbuti ng kalagayan.
Pero aminado si Quira na umiiyak din siya, pinanghihinaan ng loob, natatakot at nagtatanong bakit ito nangyari sa kanya.
“But through all of this, I’ve also been reminded of the kindness people are capable of…thank you,” ani Quira na umaasang mananatiling malakas ang kanyang loob sa kabila ng kanyang pinagdadaanan.
“Here’s to better days and to getting a little more of my life back.”
You certainly will, brave girl! Ronnie Carrasco III