Home HOME BANNER STORY Buwis sa kape, tinutulan sa Senado

Buwis sa kape, tinutulan sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – Tinutulan ng ilang senador ang panukalang buwisan ang mga produktong kape bilang alternatibo sa pagbubuwis sa mga inuming de-alkohol, kung saan nagbabala si Sen. Joel Villanueva na maaari itong humantong sa “messy situation.”

Tinalakay ni Sen. Pia Cayetano ang panukala sa deliberasyon ng Senado sa 2027 budget ng Department of Health nitong Biyernes. Inihain umano ito ng mga distiller o gumagawa ng alak sa isang pagdinig sa House of Representatives dahil mas pinipili na umano ng mga kabataan ang kape kaysa alak.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chair at Marikina Rep. Miro Quimbo na “dead on arrival” ang panukala sa Kamara, dahil hindi naman nakapipinsala ang kape.

“Thankfully, yung pagta-tax ng coffee, hindi na mangyayari yun kasi sinabi naman nung House chair na dead na daw yung sa kanila,” ani Cayetano.

Tinutulan din ni Senate President Win Gatchalian ang panukala dahil maraming Pilipino, kabilang ang mga manggagawa at driver, ang umaasa sa kape upang manatiling gising habang nagtatrabaho.

“Personally, I don’t think taxing coffee is a good idea,” ani Gatchalian.

“E ngayong gabi nga na ito, andaming coffee na nating nainom e. So I don’t think it’s a good idea. I’ve heard from Senator Pia that the house will not pursue it so that’s well and good but we should also be sensitive to the products of our farmers, fishermen,” dagdag niya.

Sumang-ayon naman si Cayetano na dapat suportahan ang mga magsasakang nagtatanim ng kape at wala umanong nakikitang masama sa pag-inom nito maliban kung sobra-sobra ang konsumo.

“So on that note, uh, buhay pa rin ang kape sa Pilipinas. No tax, no tax on coffee,” dagdag niya.

Nang sabihin ni Gatchalian na marami ring umiinom ng kape sa Senado, nagbiro si Villanueva na maaaring maging magulo ang usapan kapag kape na ang pinag-uusapan.

“Ah pag ‘yan ang pinag-usapan Mr. President, maghahalo ang tinalupan sa binalatan (Maghahalo ang balat sa tinalupan),” ani Villanueva.

“That person should undergo drug testing, Mr. President,” biro pa niya.

Nauna na ring nagpahayag ng pagtutol si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa naunang deliberasyon sa 2027 budget ng Department of National Defense, at sinabing hindi seryosong ikinokonsidera ng mga senador ang panukala. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here