Home METRO 21 granada, nadiskubre sa poultry farm sa Bataan

21 granada, nadiskubre sa poultry farm sa Bataan

1
0

BATAAN, Philippines – Nasa dalawampu’t-isang piraso (21) ng mga kinakalawang na vintage hand grenade na hinihinalang inihukay ng matagal ng panahon ang nadiskubre sa loob ng isang gamecock poultry farm sa Barangay Roosevelt, Dinalupihan Bataan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col Bjorn John Labos, Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Isang tawag ang tinanggap ng pulisya mula sa personnel ng farm, hinggil sa nahukay na mga hinihinalang vintage na granada sa gilid ng isang poultry ng mga panabong na manok.

Ayon sa naka-diskubreng personnel ng farm, napansin umano nito ang ilang mga nakausling matatabang kinakalawang na bakal sa bungad ng poultry, kung saan nagduda daw ito na posibleng pampasabog ang nakita, kaya agad ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Kasama ng pulisya ang Bataan Provincial Explosive and Canine Unit (PECU), tinungo ng mga awtoridad ang lugar, kung saan nakumpirma na ang mga nadiskubre ay pawang mga kinakalawang at hindi nagamit na vintage hand grenade na posibleng inihukay dito ilang dekada na ang nakaraan.

Nasa kustodiya na nang mga awtoridad (PECU) ang mga nadsikubreng Unexploaded Ordinance (UXOs) o sinaunang uri ng pampasabog (Granada) para sa safekeeping. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here