Home HOME BANNER STORY Pag-amyenda sa P7.2T budget bill, itinakda sa Dec. 4 – Gatchalian

Pag-amyenda sa P7.2T budget bill, itinakda sa Dec. 4 – Gatchalian

1
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Sabado na papasok na sa period of amendments sa Senado ang panukalang ₱7.2-trillion budget bill para sa 2027 sa Biyernes, Disyembre 4, matapos tapusin ng upper chamber ang plenary deliberations nito sa panukalang budget para sa susunod na taon.

Sinimulan ng Senado ang marathon debates nito sa panukalang budget noong nakaraang Lunes, Nobyembre 23, at tinapos ito ng madaling araw ng Sabado, Nobyembre 28.

“So magkakaroon kami ng period of amendments on Friday at iku-close na on second reading para ma-review ng mga senators natin over the weekend yung budget,” sabi ni Gatchalian sa isang panayam sa DWIZ.

Sinabi rin niya na layunin ng Senado na isagawa ang third and final reading para sa panukalang budget bill sa Lunes, Disyembre 7.

“Hindi ito certified as urgent para mabigyan ng panahon ang mga senators na i-review pa, basahin over the weekend yung budget,” dagdag niya.

Ibinahagi niya na maraming senador na ang nagsumite ng kanilang preliminary amendments para sa panukalang budget. Gayunpaman, tiniyak niya na ang kanilang mga amyenda ay tatalakayin pa rin sa susunod na Biyernes.

Idinagdag niya na kailangang gamitin ng mga senador ang kanilang official letterhead sa paghahain ng kanilang amyenda at ang mga ginawang amyenda ay dapat i-upload sa official website ng Senado.

Nang tanungin kung anong uri ng mga amyenda ang kanyang isusulong, sinabi ni Gatchalian na tututukan niya ang tatlong bagay: safeguarding provisions, augmentation para sa education sector; at pagpapatuloy ng pagpapatupad ng foreign-assisted projects.

“Unang-una yung safeguards na na-emphasize ni Sen. Ping [Lacson] na hindi pwedeng generic yung pangalan. At so isa yan sa mga mahigpit namin i-monitor at sisiguraduhin sa budget, yung safeguards at of course yung supporting documents,” dagdag niya.

Sa huling araw ng plenary debates, kinuwestiyon ni Lacson ang hindi pantay na distribusyon ng mga multi-purpose building projects sa mga local governments habang binanggit niya na karamihan sa mga ito ay itinatayo sa mga high-income cities at municipalities.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here