Home NATIONWIDE Pinay recruiter sa Dubai, pinatutugis ni Erwin vs illegal recruitment ng 30...

Pinay recruiter sa Dubai, pinatutugis ni Erwin vs illegal recruitment ng 30 Filipino sa Russia

1
0

MANILA, Philippines – Hindi makakarating sa Russia ang 30 Filipino workers ngayon na sapilitang ginawang sundalo doon kundi hindi dahil sa isang pinay recruiter na nakabase sa United Arab Emirates (UAE).

Ganito ang pangyayaring ang nakarating kay Senador Erwin Tulfo, Vice Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations hinggil sa sinapit ng mga nasabing manggagawa.

Ayon kay Sen. Tulfo, “Dapat habulin itong illegal recruiter na ito at panagutin sa kanyang panloloko sa kapwa Pilipino.”

“Inilagay niya sa peligro ang buhay ng 30 Filipinos dahil sa kalokohan niya at tiyak kumita ito ng limpak-limpak na salapi at the expense of innocent OFWs,” ani Tulfo.

Hiling ni Tulfo na iuwi sa Pilipinas ang nasabing recruiter at ikulong base sa mga karampatang kaso na ipapataw sa kanya.

“Mga inosenteng OFWs sila sa Dubai nang alukin ng Filipina recruiter ng mas malaking sahod daw sa Russia,” ayon sa mambabatas.

Anang Vice Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, “tinanong pa daw ng mga nasabing OFW kung anong trabaho doon, e pangako sa kanila gumawa lang ng mga kampo ng sundalo at maglinis ng mga bunker at iba pang manual labor.”

Ang kapalit daw nito ay $3,500 na buwanang  sahod at may sign-in bonus pa na P150,000.

Base naman sa kwento ng mga pamilya ng nasabing mga OFWs, sinabak daw agad sa training sa Russia ang mga mahal nila sa buhay bilang mga sundalo para lumaban sa giyera sa Ukraine.

Nanawagan sa pamagitan ng social media ang mga naturang OFW sa Russia na tulungan sila ng pamahalaan sa sinapit nila.

Sa report naman kay Senate President Sherwin “Win” Gatchalian, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro na makikipagpulong siya kay Russian Ambassador to the Philippines Marat Ignatyevich Pavlov sa Lunes para pakiusapan kung maaaring ibalik na lang sa Pilipinas ang mga OFWs.

“I heard the President is closely monitoring the situation of these OFWs at gusto daw niyang maialis na sila doon,” pahabol ni Tulfo. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here