Home HOME BANNER STORY Abandonadong sasakyan na posibleng ginamit sa pagkawala ng beauty queen, natagpuan

Abandonadong sasakyan na posibleng ginamit sa pagkawala ng beauty queen, natagpuan

MANILA, Philippines – Natagpuan ng mga awtoridad ang abandonadong sasakyan na posibleng ginamit umano ng persons of interest sa pagkawala ng beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitzhak Cohen.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group – Tarlac, natagpuan ang sasakyan sa Barangay Tibag, Tarlac City nitong Linggo ng gabi, Hunyo 30.

Nag-ugat ang operasyon ng CIDG sa ulat na natanggap mula sa pulisya.

Ito umano ang sinasabing ikatlong sasakyan na nakitang kasama ng sasakyan ng nawawalang magkasintahan at ng middleman nang magpunta ito noong Hunyo 21 sa bibilhin sanang lupa sa Barangay Armenia, Tarlac City.

Nakatakdang i-turnover ang abandonadong SUV sa Highway Patrol Group habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga posibleng nakakita ng nangyari sa lugar. RNT/JGC