Home ENTERTAINMENT BINI, kinabog si Taylor Swift!

BINI, kinabog si Taylor Swift!

Manila, Philippines- Kinabog ng Pinay all-girl group na BINI ang American pop artist na si Taylor Swift sa music streaming platform na Spotify.

As of today, hawak ng pinag-uusapang female group ang numero unong puwesto sa Spotify Philippines Top Artists chart.

Gumawa rin ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang Pinoy act na nag-number one sa Spotify Philippines.

For the past two years, hawak kasi ni Swift ang record sa pinakaunang puwesto.

Matatandaang naging kontrobersyal ang BINI dahil sa  pagkaka-ban nito sa TikTok.

Kamakailan, nagtala rin ng bagong record ang nasabing grupo dahil umabot na sa 6 million ang kanilang monthly listeners on Spotify na ipinagdiwang ng kanilang fans.

Ang BINI ay binubuo nina Mikha, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Jhoanna at Sheena na sakalam ang hatak sa millennials.

Sumikat sila sa mga kantang “Born To Win”, “Na Na Na”,  “Pantropiko” at “Salamin, Salamin.” Archie Liao