Home NATIONWIDE Access ng studes sa digital tech kailangan sa pagpapataas ng int’l assessments...

Access ng studes sa digital tech kailangan sa pagpapataas ng int’l assessments ranking – Angara

164
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Sabado, Hulyo 20 ang pangangailangan na mapabuti ang “access to digital technologies” ng mga estudyante upang mapabuti ang ranking ng mga ito sa international assessments.

Ani Education Secretary Sonny Angara, kailangang tugunan ng DepEd ang mga pagsubok sa “access to digital technologies because the exams are taken on computers.”

“Minsan nagugulat ‘yung bata kasi wala silang computer sa eskuwelahan nila then suddenly pagdating nila sa pagpasok ng exam, confronted sila ng computer,” sinabi ni Angara.

“Nagugulat sila so kailangan ma-train sila sa exam preparation,” dagdag pa nito.

Ang DepEd ay bubuo ng task force ng mga eksperto upang mahasa pa ang mga estudyante na kukuha ng assessments.

“The focus is on science this time kasi yun ang exam… basic skills in science, understanding concepts,” aniya.

Sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), napag-alaman na kulelat pa rin ang mga estudyanteng Pinoy edad 15-anyos sa math, pagbabasa at science kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa.

Ang average score ng Pilipinas sa Science ay nasa 356 points, o mababa sa 485-point average ng mga estudyante mula sa Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) countries.

Ang mga estudyante Pinoy ay nakakuha ng mean score na 355 sa math, at 347 sa reading na mababa rin sa OECD average na 472 sa math at 476 sa reading.

“‘Yung PISA is about analysis. It’s not just memorization,” ani Angara.

“Bibigyan ka ng problema, gagamitin mo yung konsepto at sasagutin mo yung problema,” dagdag pa niya.

Tinitingnan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “initial action” sa pagpapabuti ng score ng Pilipinas sa PISA exam.

“Sa estudyante, we need to keep testing and focus on math, science and reading dahil yung foundational skills natin ay humihina ng kaunti,” anang Pangulo.

“I’m confident that in the next few years magagawan natin ng paraan yan,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang buwan, ikalawa sa pinakamababa ang ranking ng Pilipinas sa creative thinking test ng PISA, na sumusukat naman sa abilidad ng mga estudyante na mag-generate, mag-evaluate at magpabuti ng ideas na makalikha ng orihinal at epektibong solusyon, magdagdag ng kaalaman at lumikha ng impactful expressions of imagination.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here