Home NATIONWIDE Acquisition ng NSCR North Segment target makumpleto ng DOTr sa Hunyo

Acquisition ng NSCR North Segment target makumpleto ng DOTr sa Hunyo

191
0

MANILA, Philippines – Target ng Department of Transportation (DOTr) na makumpleto ang right-of-way (ROW) at pagbili ng mga lupa para sa north segment ng 147-kilometrong North-South Commuter Railway (NSCR) System bago mag-Hunyo ngayong taon.

Ayon sa isang pahayag noong Biyernes, umabot na sa 56% ang progreso ng ROW at site acquisition para sa NSCR north segment, kung saan 1,143 sa kabuuang 2,034 lote ang nakuha na.

Sinabi rin ng DOTr na nabayaran na nila ang 1,439 sa 2,448 na informal settler families (ISFs) na apektado ng proyekto.

Dahil dito, ipinahayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang kumpiyansa na matatapos ng Right-of-Way and Site Acquisition (ROWSA) office ng DOTr ang proseso para sa NSCR north segment sa target na petsa ngayong Hunyo.

Samantala, pinuri ng Japan International Cooperation Agency (JICA), na katuwang ng proyekto, ang progreso ng DOTr.

Ayon kay JICA Senior Deputy Director Murakami Kota, nauunawaan nila ang pagsisikap ng DOTr at suportado nila ang inisyatibo ni Acting Secretary Lopez para makumpleto ang land acquisition, lalo na sa north side ng NSCR, sa loob ng 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here