Home OPINION ACTION MAN ‘BIDA’ SA PAGBUBUKAS NG KILALANG NEGOSYO

ACTION MAN ‘BIDA’ SA PAGBUBUKAS NG KILALANG NEGOSYO

NAANYAYAHANG maging panauhing pandangal ang kilalang Action Man ng Bayan ng Indang na si Hon. Virgilio “Kapitan Vergel” Fidel at maybahay nito na si Madam Nedilyn Fidel sa opening ng pamosong MJK Loming Cuenca Batangas – Indang Cavite Branch kamakailan.

Naganap ang blessing ng MJK Loming Cuenca Batangas – Indang Cavite Branch ganap na alas-8 ng umaga na pinangunahan ni Rev. Fr. Anishmon Joseph mula sa Saint Gregory the Great Parish Church sa Indang, Cavite.

Bandang alas-10 ng umaga isinagawa ang short program para sa nasabing pagbubukas nga ng kilalang negosyo na pinamunuan ni Mr. JD Joann Gatdula. Nagsimula ang short program sa opening prayer ni Mrs. Susan Gatdula.

Matapos ang panimulang panalangin ay sinundan naman ng inspirational message mula sa guest of honor at speaker na si Kapitan Lion Vergel “Action Man” Fidel at pagkatapos ay isinagawa na ang ribbon cutting ceremony na pinangunahan nina Lion Vergel Fidel at maybahay nito na si Lion Nedi Fidel.

Nandoon din sina Sir Michael, Sir Joren at Sir Kerwin, pawang ng MJK Lomi na mula pa sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Sir Michael nagsimula ang kanilang negosyo sa Amadeo, Cavite noong Marso 10, 2018 at ngayon ay mayroon ng branches sa Cuenca Batangas, Imus Cavite, Calamba at Sta. Rosa sa Laguna at ngayon ay sa Indang.

Nagkaroon ng salo-salo ng  masasarap na pagkain subalit siyempre hindi nawala sa putashe ang pinag-uusapan sa sarap na MJK Loming Cuenca Batangas.

Sinabi ng mag-asawang Fidel na tunay nga namang masarap at malinamnamn talaga ang lomi na ito  bukod pa sa natutuwa silang mayroon ng branch sa Indang, Cavite na sinisiguro nilang dadayuhin at dadagsain ng mga residente ng Indang na mahilig sa masasarap na pagkain.

Susubukan ng inyong lingkod at ng mga kasama sa organisasyon ang sarap ng ipinagmamalaking Loming Batangas na nag-branch out na sa ating bayan ng Indang.

Sigurado namang pasado ito sa pihikang panlasa ng maraming mamamayan ng Bayan ng Indang.