MANILA, Philippines – IBINASURA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang espekulasyon kung si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, isang Philippine Military Academy (PMA) alumnus, ay my impluwensya sa loob ng military.
Si Dela Rosa ay tinutugis ngayon ng mga awtoridad kasunod ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
“We would not want to speculate on anything that is because of certain backgrounds and connections, but we are mission-oriented and focused on how we conduct the operations,” ang sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla.
Sinab ni Padilla na ginagalang ng military ang papel ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng law enforcement operations habang pinangungunahan naman ng police organization ang pagsisikap na matunton at arestuhin si Dela Rosa.
Nauna rito, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na mahirap tugisin si Dela Rosa dahil sa malalim na ugnayan nito bilang dating PNP chief at isang PMA alumnus.
Gayunman, nangako naman ang PNP na ang personal na relasyon at dating posisyon ni Bato ay hindi maka-iimpluwensiya a pagsisikap nito na arestuhin ang senador.
May P50-milyong patong sa ulo ni Bato para sa ikadarakip nito. KRIS JOSE