Home NATIONWIDE AFP sa hatol kina France Castro, Satur Ocampo, iba pa: ‘Justice has...

AFP sa hatol kina France Castro, Satur Ocampo, iba pa: ‘Justice has been served’

128
0

MANILA, Philippines- Pinatutunayan ng hatol na guilty kina ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, at 11 iba pa para sa child abuse ng Tagum City court na gumagana pa rin ang justice system sa bansa, ayon sa military spokesperson nitong Martes.

Sinabi ni Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na ikinatuwa ng militar ang desisyon ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 na hatulan sina Ocampo, Castro, at kanilang mga kasamahan na guilty sa paglabag sa Section 10(a), Article VI ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

“Justice has been served to the Talaingod IP [indigenous peoples] children and other victims. Their conviction highlights that our justice system is effective, sending a clear message that those who exploit and endanger IP children will be held accountable,” pahayag ni Padilla sa isang press conference sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Nag-ugat ang kaso sa pagkakasita kina Castro, Ocampo at 17 iba pang miyembro ng umano’y fact-finding mission sa isang checkpoint ng mga elemento ng Talaingod town police noong Nov. 28, 2018 sa Talaingod, Davao del Norte. 

Batay sa imbestigasyon, nahuli umano ang grupo ng pagdadala ng mga menor-de-edad mula sa iba’t ibang parte ng Mindanao patungo sa hindi natukoy na lokasyon. Napag-alamang ang mga menor-de-edad ay mga estudyante ng Salugpungan Learning Center na ipinasara ng Department of Education (DepEd) sa parehong taon.

Inihayag ng mga pulis na binibigyan ang mga bata ng “anti-government education” upang labanan ang pamahalaan.

Subalit, itinanggi ng kampo ni Ocampo ang mga alegasyon ng mga pulis at sinabing sinasagip nila ang mga batang Lumad matapos umanong magsagawa ng operasyon ang paramilitary group malapit sa Salugpungan Learning Center. 

Nakulong sina Castro, Ocampo at nakalaya matapos makapagpiyansa.

Subalit, pinabulaanan ng Philippine Army (PA) ang pahayag nina Castro, Ocampo at kanilang mga kasamahan na ang ginawa nila ay rescue mission, at sinabing ang Talaingod IP children at iba pang umano’y biktima “have fallen prey to their manipulations.”

Inulit naman ni Col. Louie Dema-ala, PA spokesperson, ang commitment ng army sa pagprotekta sa kapakanan ng lahat ng Pilipino, “particularly vulnerable groups that are often targeted by deceitful beliefs.”

Kinondena nina Castro at Ocampo ang desisyon ng korte, at sinabing ito ay “miscarriage of justice.” Anila pa, gagawin nila lahat ng legal na pammaraan upang kuwestiyunin ang desisyon ng korte. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here