Home NATIONWIDE Afternoon appointments sa US Embassy kinansela sa sama ng panahon

Afternoon appointments sa US Embassy kinansela sa sama ng panahon

220
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas na kanselado ang lahat ng appointments ngayong hapon dahil sa patuloy na pag-ulan.

“Please wait for aditional details or contact usa throuh [email protected],” saad ng US Embassy sa kanilang anunsyo.

Nararanasan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon bunsod ng Tropical Depression “Isang”.

Ang Southwest Monsson o Habagat na bahagyang pinalakas ng Tropical Depression Isang ay nagdadala ng mga bugso ng hangin sa kabisera ng rehiyon.

Ilang lokal na pamahalaan na rin ang nag-anunsyo ng class suspension nitong Biyernes dahil sa masamang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here