MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga, Agosto 29, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang lindol na tectonic in origin ay tumama 8:44 ng umaga at may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang epicenter nito 10 kilometro hilagang silangan ng Burgos, Surigao del Norte.
Samantala, naitala naman ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity III – Hinunangan, Southern Leyte
Intensity II – Silago at Hinundayan, Southern Leyte
Wala namang inaasahang pinsala mula sa lindol bagamat posible ang mga aftershock. RNT/JGC