Home METRO Aftershocks sa Cebu, nasa 9,965 na! – PhiVolcs

Aftershocks sa Cebu, nasa 9,965 na! – PhiVolcs

372
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala na ng 9,965 na aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Huwebes ng umaga, matapos ang nangyaring magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30.

Ayon sa PHIVOLCS, 44 sa aftershocks ang naramdaman at ang lakas ng mga ito ay mula sa magnitude 1.0 hanggang 5.1.

Nauna nang sinabi ng PHIVOLCS na ang dalas ng aftershocks ay bumabababa na kada araw.

“You would notice in the chart that the number of aftershocks per day (frequency) is decreasing,” ayon sa PHIVOLCS.

Pinaalala din ng PHIVOLCS, na ang aftershocks ay normal at natural lalo na sa isang napakalakas na lindol.

“Aftershocks may persist for weeks to months. It means that the part of the subsurface that moved is still adjusting to a stable condition/position,” ayon sa ahensya.

Pinayuhan din ni PHIVOLCS chief Dr. Teresito Bacolcol ang mga residente na ipakonsulta sa mga eksperto ang kanilang mga tahanan bago bumalik  dito, upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“If there are visible damages sa mga istruktura kung saan sila nakatira, huwag muna silang pumasok,” aniya.

“They have to consult their municipal or city engineers kasi kung hindi man ito totally na-damage during the main shock, baka ma-damage ito totally during a strong aftershock,” dagdag niya.

Umakyat din ang bilang ng mga nasawi sa lindol sa 74 na katao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

May kabuua namang 71,996 na bahay ang nasira sa lindol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here