Home HOME BANNER STORY Agri damage kay Kristine tumaas sa P1.69B

Agri damage kay Kristine tumaas sa P1.69B

197
0

MANILA, Philippines – Lumobo pa sa P1.69 bilyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sa ulat ng Department of Agriculture, ang mga apektadong lugar ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western and Eastern Visayas, at SOCCSKSARGEN.

Dagdag pa, apektado rin ng bagyo ang 42,346 magsasaka at 37,590 ektarya ng taniman, na may 108,266 metriko toneladang dami ng mga nasirang produksyon.

Pinakamalaki sa mga napinsala ay ang bigas sa 104,198 MT.

Napinsala rin ang mga mais, kamote, high-value crops, livestock at poultry, at agricultural facilities.

Magsasagawa naman ng field evaluation ang DA sa oras na gumanda na ang panahon.

Ayon sa DA, mayroong P531.72 milyong halaga ng agricultural inputs ang handang maipamahagi sa mga apektadong magsasaka.

Tutulungan din nito ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund, Survival and Recovery (SURE) Loan Program, at Philippine Crop Insurance Corporation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here