Home HOME BANNER STORY Agri damage sa Habagat, sunod-sunod na bagyo umabot na sa P689M –...

Agri damage sa Habagat, sunod-sunod na bagyo umabot na sa P689M – DA

2
0
(c) Cagayan Provincial Information Office

MANILA, Philippines – Umabot na sa P689 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura mula sa Habagat at mga nagdaang bagyo, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa kabuuang agricultural damage, ₱451 milyon dito ay apektado ang mga pananim na palay sa 18,000 ektarya ng sakahan na apektado.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, spokesperson ng ahensya, na 15,500 ektarya ng apektadong sakahan ang partially damaged at mayroon pang tsansa na makarekober.

Halos 3,000 ektarya naman ang totally damaged.

Naitala sa Pampanga ang pinakamalaking agricultural losses sa P131 milyon, na sinundan ng Nueva Ecija at Pangasinan.

Tinatayang nasa P2 milyon naman ang pinsala sa livestock at poultry. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here