Home ENTERTAINMENT Ai Ai at anak, natulog sa airport!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai at anak, natulog sa airport!July 24, 2024 15:18930 FacebookTwitterPinterestWhatsApp North Carolina, USA – Cool pa rin si Ai Ai de las Alas sa kabila ng sinapit kaugnay ng malawakang global outage.Bukod kasi sa mga naapektuhang flights ay damay rin ang mga bangko, broadcast stations at iba pa.Sa video na ipinost ni Ai Ai sa Facebook, makikitang stranded sila ng kanyang anak na si Sophia sa Charlotte International Airport.Papunta dapat sila sa North Carolina.Dahil nga sa technical issues, walang choice ang mag-ina kundi sumalampak sa sahig ng airport at matulog.Buti na lang daw at may baon siyang kumot at unan.Ipinagpasalamat din ni Ai Ai na kasama niya ang anak na techie.Kung mag-isa raw siyang bumiyahe at nagkataong nagkaroon ng global outage ay tiyak na umiyak na lang daw siya.May aral namang hatid sa komedyana ang karanasang ‘yon.Una, huwag na huwag daw magbibiyahe nang walang kasama lalo’t kung hindi ka computer-literate.Ikalawa, huwag ilagay ang iyong dalang pagkain sa maleta.Sa kaso ni Ai Ai, nasa handcarry raw niya ang baong pagkain kaya may nakutkot siya nang magutom.Naresolba na lang ang problema ni Ai Ai dahil may susundo sa kanilang mag-ina en route to North Carolina.By land na lang daw ang kanilang biyahe which would take four hours. Ronnie Carrasco III