Home ENTERTAINMENT Ai Ai, may payo kay Chloe!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, may payo kay Chloe!September 14, 2024 13:22 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Been there, done that.In a capsule ay ito ang nais ipaunawa ni Ai Ai de las Alas kay Chloe San Jose, nobya ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo.Minsan na nga namang maranasan ng komedyana ang maging girlfriend until she became a wife herself.Aware si Ai Ai sa alitan sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, partly because ang itinuturong dahilan ay si Chloe.Inilalayo raw nito si Carlos sa kanyang pamilya.Nahingan ng unsolicited advice si Ai Ai kung ano ang kanyang maipapayo kay Chloe.Dalawang mahahalagang bagay ang binanggit ni Ai Ai na dapat daw taglayin ni Chloe toward her boyfriend’s family.Ito’y ang tamang pakikitungo kina Angelica at Mark Andrew Yulo na hanggang ngayo’y naghihintay pa ring kausapin ng anak.Bukod sa wastong pakikitungo, binanggit din ng komedyana ang salitang “respeto.”“Girl, girlfriend ka pa lang…hindi ka pa asawa!” ani Ai Ai.Ito rin daw ang itinuturo niya sa kanyang mga anak– ang pakisamahan nang maayos ang kanilang mga in-laws. Ronnie Carrasco III