Home ENTERTAINMENT Aiko at Onemig, laging magkasama, wala pang umaamin!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Aiko at Onemig, laging magkasama, wala pang umaamin!February 4, 2026 20:041920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Laging magkasama sa mga lakaran at laging nagla-live sa TikTok sina Aiko Melendez at Onemig BondocPero wala pa rin silang pag-amin na sila na.Pero ayon nga kay Ogie Diaz, sinagot na ni Aiko si Onemig last month pa.Sa TikTok live ulit ng dalawa, may nagtanong sa kanila kung sila na.Nagkatinginan muna sina Aiko at Onemig bago nila sinagot ang tanong.Pero tinanong muna ng dating aktor si Aiko ng,‘tayo na ba?’ Na sinagot naman ng actress-politician ng ’sweeter the second time around.’Tinanong naman ni Aiko si Onemig ng, ‘Migs pang-ilang time around na ba ‘to?’ Na sinagot ni Onemig ng, ‘4th.’Sabi pa ni Onemig, “Guys it’s never too late to fall in love. Kahit 50 ka na, kahit 48 ka, it’s never too late. ‘Yun lang ang masasabi ko.”Kaya naman nasabi ‘yun ni Onemig, dahil gusto niyang palabasin na sa pag-ibig ay walag pinipiling edad.Si Aiko ang tinutukoy niyang 50 na at siya naman ay 48 na. Rommel Placente