Home ENTERTAINMENT Aiko, nag-assume, tablado sa vlogger!

Aiko, nag-assume, tablado sa vlogger!

Manila, Philippines – Mismong si Aiko Melendez na ang tumanggap ng katotohanang ‘asyumera’ siya.

May kaugnayan ito sa kanyang Facebook post na idinaan niya sa blind item.

Ang siste, niyaya raw ng aktres-pulitiko ang isang artistang vlogger din na makipag-collab sa kanya.

Nagkainteres daw si Aiko dahil close naman sila.

In fact, nakasama na niya ito sa isang project noon.

Hindi nga lang malinaw kung sa TV o sa pelikula.

Anyway, pinadalhan daw ni Aiko ang vlogger-actress ng direct messages.

Matagal daw soya bago ni-reply-an nito only to be told: “Hindi ako nakikipag-collab, eh!”

Only then did Aiko realize na: “Barado tablado ako! Hahaha!”

Buong akala naman daw kasi niya’y willing ito to collab with her.

“Ms. Aiko pa ang tawag niya sa akin noon at todo bati pa to the max!” sey niya.

In the end, Aiko has herself to blame for having been snubbed: “Assumera kasi ako!”

“Barado tablado” man ay may payo siya sa sikat na actress-vlogger.

”’Yang kasikatan na tinatamasa mo, temporary lang ‘yan. Dapat kung gaano ka kataas, ganu’n din ang mga paa mo na nakatapak sa lupa!”

Hindi naman nagbigay ng clue si Aiko kung sino ang pinatutungkulan niya.

Pero kanya-kanyang hula ang mga netizens. Ronnie Carrasco III

Previous articleAlex Eala yukod kay Kudermetova sa Indian semis
Next articleChampionship sneakers ni MJ nabenta ng $8M