Home ENTERTAINMENT Aiko, tinawag na ‘Madam President’ si VP Sara!

Aiko, tinawag na ‘Madam President’ si VP Sara!

234
0

Manila, Philippines – Handa na nga kayang ma-bash si Quezon City Councilor Aiko Melendez dahil sa pagtawag niya ng “Madam President” kay VP Sara Duterte?

Buong kagalakan kasing in-address ng aktres-pulitiko ang kontrobersyal na second highest leader of the land.

Ito’y makaraang bumisita si Aiko sa opisina nito kamakailan.

Flinex ni Aiko ang ilang larawan ng kanilang pagkikita ni VP Sara sa Facebook.

Post niya, pinabilib daw siya sa kasimplehan nito at pagiging humble–bagay na ‘di karaniwan sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Masarap daw itong kausap dahil bukod sa nakikinig ay ramdam din ang tunay na malasakit nito sa tao.

Ani Aiko, what transpired at the OVP was a significant and heartwarming conversation.

“Isa sa mga labis kong hinangaan ay ‘yung pagiging simple’t mapagkumbaba niya,” post ni Aiko.

“Napaka-accommodating niya at napaka-candid kausap. Walang arte, totoo at bukas ang loob.

“Nakakagaan ng pakiramdam na kausap ang isang lider na marunong makinig at may malasakit,” patuloy pa niya.

Sa huli’ y abut-abot ang pasasalamat ni Aiko whose respect for the VP is here to remain.

Hindi naman idinetalye ni Aiko kung anu-ano ang partikular na tinalakay nila sa kanilang tsikahan at pati ang pakay ng kanyang pagbisita. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here