Home ENTERTAINMENT AJ, sisisihin ang sarili pag nagluko si Aljur!

AJ, sisisihin ang sarili pag nagluko si Aljur!

294
0
xr:d:DAEyYdk1-os:8757,j:44346693318,t:23033104

Manila, Philippines – Hypothetical man ang tanong ay sinagot din ni AJ Raval what if dumating ang panahon–God forbid–na lokohin siya ng nobyong si Aljur Abrenica?

Earlier kasi in a separate interview ay nakapanayam muna ang ama nitong si Jeric Raval.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na “playboy” ang simpatikong action star who has had a colorful past with different women.

Jeric, however, was quick to justify his image.

Aniya, marami nga raw siyang kilalang mga kapwa lalaki caught in the same situation.

Nagkakaiba nga lang sa pagkakaroon ng sense of responsibility, at proud siyang sabihing isa siya sa mga ‘yon.

Never naman daw niyang inabandona ang kanyang pamilya, lalung-lalo na ang kanyang mga anak with different women.

Nang makaharap si AJ ay naitanong sa aktres, paano kung magluko si Aljur?

With all candor, AJ shared her thoughts.

Aniya, “Siguro, pag nangyari ‘yon, sisisihin ko ang sarili ko.”

She would then pose questions to herself such as saan daw ba siya nagkulang, hindi raw ba siya maayos na partner, nagger daw ba siya, etc.

Never daw niyang pagbubuntunan ng sisi si Aljur, but only herself.

In fairness though, AJ doesn’t see it coming.

So far, maganda naman daw ang dynamics ng kanilang relasyon.

Sinasabing men are generally polygamous or polyamorous.

But let’s bear in mind, there is always an exception to the rule.

Ikaw nga ba ‘yon, Aljur? Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here