Home NATIONWIDE Aksyon sa VAWC cases vs. babaeng pulis, tiniyak Remulla; patakaran sa pag-aareglo,...

Aksyon sa VAWC cases vs. babaeng pulis, tiniyak Remulla; patakaran sa pag-aareglo, rerepasuhin

2
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na seryoso ang kagawaran sa pagprotekta sa mga babaeng pulis laban sa gender-based violence, kasabay ng panawagan naman ng isang mambabatas para sa agarang pagbabago sa patakaran sa pag-aareglo.

Sa budget deliberation ng House Appropriations Committee para sa 2027 budget ng DILG ay ipinunto ni Remulla na hindi biro ang karahasan laban sa mga kababaihan at bata, at nangako ito na itutuloy ang pagsasampa ng kaso anuman ang estado o posisyon ng masasangkot na indibidwal.

“We take it very seriously, ma’am, that if there is harassment among the ranks, that we will file the appropriate charges, whoever they may be,” pahayag ni Remulla nang tanungin ni Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago hinggil sa ang usapin ng harassment sa mga babaeng pulis.

Bilang patunay na walang sacred cow sa ganitong mga reklamo ay inihalimawa ni Remulla ang kaso ni Marikina Rep Marcy Teodoro na pinagharap ng kaso sa Department of Justice base sa naging reklamo ng kanyang security personnel.

Samantala, hinamin din ni Elago ang DILG na amyendahan ang kasalukuyang polisiya ukol sa kasunduan o pag-aareglo sa pagitan ng mga akusado at biktima, na aniya ay tahasang lumalabag sa Anti-VAWC law.

“Dapat niyo pong baguhin itong policy na ito kasi sa ilalim po ng anti-VAWC law, bawal po ang pagaareglo lalong lalo na po sa mga kaso ng physical abuse, hindi po dapat ito pinapayagan,” giit pahayag ni Elago kung saan tumugon si Remulla na rerebisahin ng DILG ang panuntunan at hinikayat din ang mga biktima na magreklamo at nakahanda ang tulong ng ahensya. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here