Home NATIONWIDE Alagang aso patay sa malaking bato na bumagsak sa bahay, kotse sa...

Alagang aso patay sa malaking bato na bumagsak sa bahay, kotse sa Baguio

276
0
Halos hindi na mapakinabangan ang isang kotse matapos madaganan ng isang dambuhalang bato mula sa mataas na bahagi ng bundok na gumulong at sumira sa isang bahay sa bahagi ng Camp 7, Kennon Road, Baguio City. REY VELASCO

MANILA, Philippines – Bumagsak ang isang malaking bato mula sa gilid ng bundok at tumama sa isang bahay at nakaparadang sasakyan sa Kennon Road sa Barangay Camp 7, Baguio City dulot ng malalakas na pag-ulan at malakas na hangin dala ng Severe Tropical Storm “Crising” nitong Sabado, Hulyo 19.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, batay sa report mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), sapul ng malaking bato ang isang bahay at sasakyan.

Walang nasaktan sa mga nakatira sa bahay dahil inilikas na ang mga ito nang mas maaga, ngunit napatay naman sa insidente ang isang alagang aso na exotic bully ang breed.

Agad naman na nagtungo sa lugar ang mga opisyal ng barangay, CDRRMO staff, at mga tauhan mula sa Baguio City District Engineering Office para suriin ang pinsala sa lugar.

Hanggang nitong Sabado ng hapon, sinabi ng Department of Public Works and Highways–Cordillera na hindi pa rin madaanan ang Kennon Road dahil sa patuloy na serye ng rockfall. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here