MANILA, Philippines – Inilabas na ng pamunuan ng Minor Basilica ng Quiapo ang ilang paalala para sa Kapistahan ng Nazareno sa Enero 2026.
Ayon kay Rev. Fr. Jane Licuan, na siyang Rector at Parish Priest ng Quiapo Church, dadaan pa rin sa dating ruta ang andas ng NAZARENO kung saan tatlong parke ang madadaanan, kabilang ang Luneta Park, Plaza del Carmen, at Plaza Miranda.
Dadaan din ang Traslacion sa pitong tulay sa Ayala – Palanca – Arlegui – Carcer – Guzman – Hidalgo at sa underpass ng Quezon Bridge.
Ayon pa kay Fr. Licuan, may habang 5.8 kilometro ang tatahakin ng Traslacion mula sa tatlong national roads.
Ayon sa Quiapo, para matiyak na maayos at ligtas ang mga ruta ng Andas, magaganap ang walkthrough inspection sa December 25.
Paalala ni Fr. Licuan sa mga deboto: magsunod sa alituntunin ng Simbahan at pamahalaan.
Aniya, layunin ng Kapistahan na itaas ang senior at ibalik ang nakagawian noong nakaraang taon kung saan bukod-tanging ang imahe lamang ang nakikita at hindi ang mga hijos.
DO’s and DON’Ts
Nanawagan si Fr. Licuan sa mga deboto na iwasan ang pagtambay sa pitong tulay habang wala pa ang prusisyon ng andas, gayundin sa Quezon Bridge dahil dadaan naman sa ilalim ang prusisyon.
-Ayala Bridge at mga approaches na kalsada – huwag salubungin ang andas sa pagbaba o paghihintay.
-Sana ay sa likod ng Manila City Hall manggaling at sa Ayala Blvd ang mga nais sumama.
-Ang mga mamasan na hindi taga-roon sa komunidad ay dapat ipaubaya na lamang sa komunidad na nangangasiwa.
-Hayaan ang hijos at balangay na mangasiwa upang mabilis ang prusisyon.
-Isasara ang lahat ng kalsadang dadaanan ng andas, maliban sa mga sasakyan ng mga opisyal at emergency.
-Bubuksan ang kalsada matapos madaanan ng andas.
-Sa pagpasok sa Simbahan, daanan lamang sa Carlos Palanca at Villalobos.
-Kapag may dalang gamit, dadaan sa mas mahigpit na security measures na gumagamit ng x-ray.
-Para sa kalusugan, pakiusap ng Quiapo Church na magsuot pa rin ng preventive facemask at gumamit ng sanitizer.
-Hindi papayagan ang istandarte.
-Walang magpapalipad ng drone maliban sa PNP.
-Huwag magdala ng picnic materials, hood jacket, o payong na nakakasagabal.
-Magdala ng transparent plastic bag para sa kalat o basura.
-Ang paghila, pagsalya, pagpahid ng panyo, at pagsampa sa Andas ay mahigpit ding ipinagbabawal.