Home METRO ALAMIN: Mga daang isasara sa Pasay mula May 15-26

ALAMIN: Mga daang isasara sa Pasay mula May 15-26

MANILA, Philippines – Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Pasay City ang pansamantalang pagsasara ng C. Jose Street at P. Santos Street para sa Malibay Fiesta at pagdiriwang ng Flores de Maria.

Ayon sa isang anunsyo sa Facebook, ang nasabing mga kalsada ay isasara sa mga sumusunod na iskedyul:

Mayo 15 (11:30 a.m. hanggang 12:00 a.m.)

Mayo 16 (7 a.m. hanggang 10 p.m.)

Mayo 17 (6 p.m. hanggang 10 p.m.)

Mayo 26 (8 a.m. hanggang 10 p.m.)

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa mga apektadong petsa. RNT