Home HOME BANNER STORY Alamin: Mga daang swak sa 24/7 road diggings sa Marso 27-Abril 1

Alamin: Mga daang swak sa 24/7 road diggings sa Marso 27-Abril 1

MANILA, Philippines – Papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga proyekto ng gobyerno at pribadong konstruksyon na magsagawa ng round-the-clock road diggings simula Miyerkules hanggang sa madaling araw ng Lunes ng Pasko ng Pagkabuhay.

Sinabi ni MMDA acting chair Romando Artes na ang kautusan ay naglalayong samantalahin ang inaasahang paghina ng trapiko ng sasakyan sa National Capital Region (NCR) sa panahon ng Semana Santa.

“Nasa 100 po na road diggings sa Metro Manila, i-a-allow po natin ‘yan 24 hours starting 11 p.m. ng Miyerkules hanggang 5 a.m. ng Monday,” ani Artes.

Kasama sa mga proyekto ang mga proyekto ng Department of Information and Communications Technology, Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, Metropolitan Waterworks and Sewerage System at mga pribadong kontratista.

Ilan sa mga nakatakdang paghuhukay ng kalsada ay:

–Batasan-Commonwealth tunnel, Filinvest 1 Road to fronting Sandigan (1st lane from plantbox), Quezon City
–West Avenue, Ligaya Street to Del Monte Avenue (1st lane from sidewalk), Quezon City
–Luzon Avenue SB, Congressional Avenue Extension to before Luzon Flyover (1st lane from center), Quezon City
–Commonwealth Avenue, Landbank to Elliptical Road (3rd lane from the sidewalk), Quezon City
–Mindanao Avenue, Tandang Sora Avenue to Longines Street (truck lane), Quezon City
–Mindanao Avenue Tunnel to Sauyo Road (truck lane), Quezon City
–Payatas Road, Batasan Road to Bayanihan Street, Quezon City
–Payatas Road between Singko Street and Leyte Street, Quezon City
–Payatas Road before Maynilad Pumping Station to Petron Gas Station (1st lane from sidewalk), Quezon City
–IBP-San Mateo Road, Quezon City
–Roxas Boulevard NB between Lourdes Street and Vicente Sotto Street, Pasay City
–Roxas Boulevard NB between Remedios Street and Pasaje Del Carmen Street, Pasay City
–Roxas Boulevard EDSA Flyover SB bridge approach (outer and inner lanes), Pasay City
–South Super Highway East Service Road, Parañaque City
–EDSA NB Guadalupe before bridge (3rd lane), Makati City
–EDSA NB Guadalupe P. Burgos Street near Jollibee and McDonald’s (4th lane), Makati City
–EDSA NB Guadalupe JP Rizal Extension (2nd lane), Makati City
–EDSA NB Guadalupe JP Rizal Extension near stoplight (2nd lane), Makati City

Santi Celario

Previous articleWalang lotto sa Huwebes Santo ‘gang Linggo ng Pagkabuhay
Next articleIbinubugang gas ng Taal tumataas – Phivolcs