Home NATIONWIDE Walang lotto sa Huwebes Santo ‘gang Linggo ng Pagkabuhay

Walang lotto sa Huwebes Santo ‘gang Linggo ng Pagkabuhay

MANILA, Philippines – Wala munang lotto draw mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay bilang pagdiriwang ng Semana Santa, ayon sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang Facebook post, sinabi ng PCSO na ang mga regular na draw ay isasagawa mula Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo na may regular na iskedyul para sa panahon ng pagbebenta nito at 24 na oras na tuluy-tuloy na pagbebenta para sa e-lotto.

Ipagpapatuloy ng PSCO ang kanilang lotto draw sa Abril 1. RNT

Previous article2 bettors maghahati sa P9M Mega Lotto jackpot
Next articleAlamin: Mga daang swak sa 24/7 road diggings sa Marso 27-Abril 1