Home NATIONWIDE 2 bettors maghahati sa P9M Mega Lotto jackpot

2 bettors maghahati sa P9M Mega Lotto jackpot

MANILA, Philippines – Wagi ang dalawang mananaya at maghahati ang mag ito sa jackpot prize na halos P9 milyon sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Lunes ng gabi, Marso 25, 2024.

Nagawa nilang mahulaan ang winning digits na 39-11-29-01-09-19 at maghahatui sa P8,910,000.

Matatandaan na nasolo noong Marso 20 ang P23 milyon sa Megalotto 6/45 draw.

Sa kabilang banda, walang nanalo sa ibang major lotto draw kung saan hindi natumbok ang 12-49-14-40-54-31 na winning digits na may P165,979,304.80 jackpot para sa Grand Lotto 6/55. RNT

Previous article17 patay sa banggaan ng trak at van sa Cotabato sa Lunes Santo
Next articleWalang lotto sa Huwebes Santo ‘gang Linggo ng Pagkabuhay